Pre-valentine Kabitteran

Habang pauwi ako kanina pagkatapos ihatid sa Marikina ang thesis partner kong si Mia, may na-ispatan akong isang babae at isang lalaki sa may Sta. Lucia. Nakaupo sila sa may plant box sa tapat ng MMDA footbridge na kulay green. Magkadikit ang kanilang mga hita habang si lalaki ay may hawak na isang pirasong rosas, nakabalot pa sa wrapper na gamit din sa plastic cover. “Ang aga naman para sa Valentine’s” sabi ko sa sarili ko. “Ilang minuto pa e”. Napangiti na lang ako.

Pagkalagpas ko ng kaunti, nakita ko naman ang magjowang tomboy. Sweet na sweet silang naghaharutan, magkahawak pa ng kamay. Napaisip ako. “Talamak na talamak a”. Ganoon ba talaga kapag bisperas ng araw ng mga puso? S-e-g-e.

Noong mag-aabang na ako ng jeep pa-Cainta, nagutom ako bigla. Sige, kain muna akong Angel’s Burger. Pagtawid ko, may magjowang heterosekswal na naman. At talagang pinuputakte ako ng mga magjojowa a. Sabi na nga ba, dapat hindi na ko lumabas ng bahay.

Hanggang sa pagsakay ko sa jeep, katapat ko mag-jowa din. Tapos pinapatugtog pa oldies na love song sa stereo ni manong.

Talaga namang patok na patok ang Valentine’s ngayong taon ha.

Advertisements

About Tero Diaz

Fresh graduate. Average person. Frustrated writer and lives life the punk-rock way.
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s