Random thoughts na naisip ko habang nasa UP Ikot Jeep kahapon

Kahapon pagkatapos naming maghiwalay ni Jes sa Area 2, sumakay ako ng Ikot jeep sa sakayan, tapat ng post office. Konti lang kaming sakay at karamihan sa amin ay nakapwesto malapit sa bungad. Walang nakaupo malapit sa drayber.

Dahil walang nakaupo malapit sa drayber at nakaupo ako sa dulong dulo sa kaliwang side, nahihiya akong makiabot ng pamasahe sa dalawang katabi ko dahil nakaupo sila malapit sa akin. May sumakay na isang cutie pie na Miriam Girl malapit yata sa may Bahay ng Alumni yun. Umupo siya medyo malapit sa drayber (bandang gitna actually) sa kanan na side. Nagabot yung ale na katapat ko sa dulong upuan sa kanya ng pamasahe. Matapos niyang abutin ang pamasahe ng ale e dumukot ako sa coin purse ko ng barya. Pagkatapos ko dumukot ng barya ay umatras siya ng upo palapit sa ale sa dulo. Akala niya siguro ay makikiabot din ako sa kanya ng bayad. Pero ang totoo, hindi ko naman iniisip at intensyon na ipaabot ang bayad sa kanya dahil babae siya at nakakahiya naman. Medyo pinadelay ko ang pagaabot ng bayad hanggang sa may mga sumakay na ibang pasahero malapit sa may drayber. Pero wala pa ring sumasakay. Nasa may Fine Arts na kami nito. Iniisip ko ng mismong sandaling yun kung iniisip kaya ng babae na ang bait ko dahil hindi ko pinaabot sa kanya ang pamasahe ko o iniisip niya pa rin hanggang ngayon na ipapaabot ko sa kanya ang pamasahe ko? O hindi niya yun iniisip at ako lang ang nagiisip nun? O baka naman nagiisip lang ako masyado na hindi ko naman talaga kailangang magrationalize ng mga bagay hanggang sa umabot na nga ako sa puntong “nageexist” ba ako ang iniisip ko. Labo.

Malapit na ko sa bababaan ko. Bumaba yung dalawang katabi ko sa bababaan pagkalabas ng gate sa C.P. Garcia galing Fine Arts katapat ng Centennial Dorm. Nang bumaba na sila ay pinadausdos ko ang puwet ko papunta kay Manong Drayber at inabot ang bayad ko. Hanggang sa makababa na nga ako sa Sarah’s.

Advertisements

About Tero Diaz

Fresh graduate. Average person. Frustrated writer and lives life the punk-rock way.
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s